Pangongolekta, Pagsusuring Pangnilalaman at Balyu Analisis ng mga Salawikaing Tausug

Authors

  • NUR-IN ALIH Panggradwadong Paaralan ng Sulu State College, Jolo, Sulu

DOI:

https://doi.org/10.52877/instabright.003.02.0060

Keywords:

Salawikaing Tausug, Pagsusuring Pangnilalaman, Balyu Analisis, Pangongolekta ng Salawikain, Masiningna , Pagpapahayag

Abstract

 NUR-IN ISMAEL – ALIH., “PANGONGOLEKTA, PAGSUSURING PANGNILALAMAN AT BALYU ANALISIS NG  MGA SALAWIKAING TAUSUG.” Master of Arts in Language Teaching Filipino, Panggradwadong Paaralan ng Sulu State College, Jolo, Sulu.
Ang pananaliksik na ito ay naglalayong makolekta ang mga piling salawikain ng mga Tausug para sa pagpaparami ng koleksyon nito at para sa preserbasyon ng lokal na panitikan. Sinisikap na matugunan ng mananaliksik ang mga sumusunod na suliranin:

  1. Ano ang mga natatanging piling salawikaing Tausug ang karapat – dapat na kolektahin at suriin?
  2. Ano ang kahulugan ng bawat salawikaing makokolekta?
  3. Anong mga moral na balyu ang masasalamin sa salawikaing Tausug?
  4. May kaugnayan ba ang salawikain sa masining na pagpapahayag pasulat man o pasalita?

Ginamit ang descriptive – qualitative bilang disenyo ng pag –aaral. Ang respondate ay mga may – edad na Tausug na nagmula sa bayan ng Jolo at Parang, Sulu. Ginamit naman ang purposive sampling sa pagpili ng 150 respondante. Interview Schedule, key informants at social triangulation method ang ginamit bilang instrument ng pag – aaral. Ginamit din ang tseklist kwestyoneyr bilang gabay na tanong sa pakikinayam sa mga respondante para malikom ang kapaki – pakinabang na datos ng pag –aaral.
Ginamit naman ang frequency distribution at porsyento sa pagkuha ng bilang ng mga respondante na sumagot ng mga angkop na kahulugan at moral na balyu ng mga salawikain. Sa pamamagitan ng ranko, makikita kung anong angkop na kahuligan ng salawikain ang ibinigay ng mga respondante.
Batay sa nakalap na impormasyon, ang mga salawikaing ito ay ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon kaya hindi pa ito tuluyang nawawala. Kinahihiligang gamitin ang mga salawikain ito dahil nakatutulong ito sa mabisa at kaakit – akit na pagpapahayag.
Ang magagandang kahuligan ng mga salawikain ay nagbibigay aral at paalaala sa mga kabataan. Nakahuhubog ito ng magandang asal at kapakipakinabang gamitin sa pagtuturo ng komunikasyon at retorika upang ang kasanayang mabisa at kaakit – akit na pagpapahayag ay mahasa. Higit na mainam kung ang mga makolektang salawikain ay maisalin sa wikang Filipino at Ingles.
Napatunayan sa pag –aaral na ito ang mga Tausug ay may maipagmamalaking sariling Panitikan din gaya ng mga ibang etnikong grupo. Mahalagang maiambag sa pambansang literature ang mga nakolektang salawikaing Tausug upang makilala ang kanilang kultura at pagkatao nang lubusan silang maunawaan. Ayon kay Soledad Reyes, sa panitikan nasasalamin ang kultura at sa kultura nasasalamin ang pagkatao ng isang tao.

Downloads

Published

2021-10-15

How to Cite

ALIH, N.-I. (2021). Pangongolekta, Pagsusuring Pangnilalaman at Balyu Analisis ng mga Salawikaing Tausug. Instabright International Journal of Multidisciplinary Research, 3(2), 39–53. https://doi.org/10.52877/instabright.003.02.0060